Hell of a letter

Dear Anak,
Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam ko na mabagal kang magbasa. Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili na bahay pero hindi ko maibibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira dito ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address.
Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila.Dalawang beses lang umulan sa linggong ito,tatlong araw noong una at apat na araw naman nung pangalawa.
Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nung nabili kong shampoo ayaw bumula. Sumunod naman ako sa sinabi sa labas ng enbelop, FOR DRY HAIR,naligo ako ng di binabasa ang buhok ko.Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.
Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ang padlock.Nakasulat sa kandado ay YALE, aba eh namalat na ako sa kakasigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako dun sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko alam naSIGAW ang tagalog ng YALE, wise yata ito!
Mayroon nga pala akong nabili dito na magandang Jacket at tiyak na magugustuhan mo.Ipinadala ko na sa iyo sa DHL, medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko sa mga bulsa.Ikabit mo na lang pagdating diyan.
Nagpadala na din ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko mapagpakumbaba ang pagtulong. Ang kapatid mo nga palang si Jude ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa Memorial Park, okey naman ang kita above minimum ng sahod.
Nga pala, ung si Chita, ung bestfriend mong nagtapat sau ng pag-ibig dati, e hinahanap ka pa pagkatapos mong umalis dito. Naiwan mo daw sa kanya ang paborito mong gamit sa bahay nila. Tinawag niya iyong konsilier at pawndeysyon. Ikaw talaga, di ka pa nahiya n mag-iwan ng gamit sa isang bahay at babae pa. Pero anak, hanga ako sa iyo, hinahabol ka pa rin ng babaeng iyon kahit binigo mo ng ilang beses. Lalaking-lalaki ka talaga.
Siguro, kailangan mo nang humanap ng mapapangasawa. Ang tanda mo na, di ka pa rin napapakasal. Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas.
Love,
Papa
P.S.
Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang enbelop. Next time na lang ha?

originally posted: prettysheila

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s